EDITORYAL: KAHIRAPAN AT KURAPSYON IBAON!
LEPASANA CRISTY D.
BSED FILIPINO III-B
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=https%3A%2F%2F2.bp.blogspot.com%2FlKrAm3XKVO0%2FV9Z8J45bgEI%2FAAAAAAAAAAY%2FIRND_XcBpVoLALTHWnaUKZ_lLbZiIEnowCLcB%2Fs1600%2Fjj.png&imgrefurl=http%3A%2F%2Fembornasmay.blogspot.com%2F2016%2F09%2Fkorapsyonsapilipinas.html&tbnid=44Q8PgF7kTJO8M&vet=1&docid=F_dpHnpOhWAyM&w=598&h=415&itg=1&hl=enph&source=sh%2Fx%2Fim
TANAW na tanaw na marami ang naghihirap sa buhay sa panahon ngayon. Katunayan, may mga pamilyang isang beses lamang kung kumain sa isang araw. Hindi nila mawari kung saang kamay ng Diyos nila kukunin ang kanilang susunod na kakainin. Napakaraming lutang sa kawalan at hindi mawari kung paano ba nila bubuhayin ang kanilang pamilya at kung paano ba nila maipagpapatuloy ang buhay gayung ang kanilang mga sikmura ay walang laman kundi hangin lamang.
Sinasabi ng pamahalaan na ang ekonomiya ng ating bansa ay sinusubakan nilang maibalik sa dati at mapaganda sa kabila ng hinaharap na sitwasyon ng bansa at ng ating mundo. Sa kabila ng sinasabi ng pamahalaan sa mga tao marami parin ang hindi naniniwala dito lalong lalo na sa sitwasyon na kinakaharap ng buong bansa ngayon na talaga namang apektado ang ating ekonomiya. Sinasabi pa ng nakakarami na kahit paman noon ay hindi na maramdaman ng taong bayan ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya. Patuloy pa rin ang paghihikahos ng mga tao sa bansa at wala man lang maihandang pagkain sa kanilang hapagkainan. Noon paman o maging sa kasalukuyan ang sinasabing pag-unlad ng ekonomiya ay nananatiling salita lamang na inaabangan ng mga tao na maisakatuparan ng pamahalaan.
Hindi na bago ang mga krimen sa ating bansa at araw-araw mayroong binabalitang kremin na nangyayari dulot narin ng kahirapan ng buhay. Ang kahirapan ang isa sa pinaka-ugat kaya may nangyayaring krimen gaya nalamang ng nakawan na isa sa nangunguna nagyon. Bagama’t hindi nararapat na gawing dahilan ang kahirapan para magnakaw, ngunit dahil siguro sa sobrang pangangailangan nagagawa ito ng isang tao.
Halimbawa na lamang ay ang isang lalaking nahuling nagnanakaw ng isang supot na tinapay at sardenas sa isang tindaha. Ang ganoong pangyayari ay nagagawa lamang ng isang tao dahil sa gutom at pangangailangan. Gayunpaman, ang ganoong gawain ay may katumbas na kaparusahan parin kahit paman ito ay hindi intensiyonal at dala lamang ng pangangailangan.
Magkadikit ang korapsiyon at kahirapan. Korapsiyon ang dahilan kaya marami ang naghihirap noon at magpahanggang nagyon sa kasalukuyan. Dahil ang pera sa kaban ay kinukurakot, nauubos ang mga pondo na dapat ay para sa mamamayan. Bilyon-bilyong piso ang nawawala na parang bola dahil sa korapsiyon na nagaganap sa pamahalaan.
Sa pamamahala ni Pangulong Duterte marami-rami narin ang kanyang nasibak lalong-lalo na sa isyu ng korapsiyon sa pamahalaaan. Wika pa niya, “Basta may naamoy akong singaw ng korapsiyon sa isang tanggapan agad ko itong sisibakin lalo na ang sangkot na mga opisyal. Ganunpaman, kahit marami nang nasibak at napalis sa puwesto ang pangulo dahil sa korapsiyon, marami pa rin ang hindi natatakot at patuloy na ibinubulsa ang kaban ng taong bayan. Dahil sa mga sitwasyon na ganun kinakailnagn na mas maging mabangis pa ang Pangulo sa pagsibak sa mga opisyal na kurakot, mas lalong talasan ang mga mata sa pagtuligsa para maubos na sila.
Kung mapagtatagumpayan at malupig ang isyu tungkol sa korapsiyon panigurado kasunod nito ay ang paglutas sa isyu ng kahirapan na nakadikit na sa mamamayang Pilipino. Kahit paman may mahirap tayong sitwasyon na kinakaharap sa kasalukuyan na siyang sumubok sa ating lahat inaasahan parin ng mga mamamayan na malulupig ang dalawang salot sa lipunan.
Comments
Post a Comment